<body> <body>


Tuesday, September 16, 2008
1:01 AM

Oo. Pilipino ako. Ano naman diba? Marami ngang nagyayari hindi maganda sa Pilipinas pero hindi ko parin ikinakahiya na, PINOY AKO. Alam ko, kung sinong nakakaintindi nito, iniisip niyo na kung bakit ako nagsusulat tungkol dito. Kaya ko to ginagawa eh kasi mahal ko ang pagka-Pinoy ko. Masaya akong pinanganak akong Pinoy. Masaya ako na marunong ako magsalita ng wikang hindi lahat ng tao naiintindihan. Masaya ako na pinalaki ako at ipinapalaki na maging tunay na Pilipino. Inaamin ko na hindi ko masyadong gusto ang karamihan sa mga OPM songs. Ngunit, masaya ako na mayroon tayong sariling mga kanta.
Ang tatay ko ay isang OFW. Alam ko na maraming kabataang Pinoy ang ayaw magtrabaho sa ibang bansa, isa na nga ako dun eh pero, ano nga ba ang alam natin.. malay mo, magtrabahao ka rin sa "Tate" balang araw diba? Hindi naman natin 'to gagawin bilang paraan ng pagkalimot sa sarili nating bansa.. isa lang tong paraan para mapa-unlad natin ang ating buhay dito. Ipinagdadasal ko nga na sana umunlad na ang Pinas.. sana maging 1:1 na ulit ang dolyar at piso. Haha! Hanggang pangarap nalang ata yun eh pero, sana..sana mangyari yun para naman hindi ko na kailangan lumabas pa ng bansa para magtrabaho.
Hindi ako nagbabasa ng mga tagalog na nobela, nanood ng mga telenobela. Para kasi sakin, ang KORNY nila. Hindi ako mahilig sa mga PInoy-made products. Pero, gusto ko ng rattan, abacca. Marami ngang baul sa bahay eh. Siguro, makikita talaga ang pagmamahal ko sa bansa.. sa mga pagkain na kinakain kong madalas. Paborito ko ang sinigang, adobo, puto bungbong, dinuguan, isaw, pastil, kulma, LAHAT NA!

*bitin.





♥profile

GOD.
family.
friends.
him.
chocolates.
ice cream.
donuts.
cakes.
lollipop.
music.

♥wants

digicam.
love.
world peace.
him.
more books of Bob Ong and Paulo Coelho.
visit my Lola in Rizal this summer.

♥exits

Abbie
Twinkol
Mica
Cha
Christal
Laika
Bea
Lara
Yen

whisper

hey me. hey -.-

♥credits

Layout: x
Brushes: o x
Smileys[cbox]:o